Handa na ang Pamahalaan na mga reklamo ay pakinggan,
Ito ay may kaugnayan sa usaping pangkalakalan.
Ngayon ay ganap nang Batas ang Ease of Doing Business,
Madali na ang magnegosyo,dahil ito ay mas ‘less stress’
Maaari na ring isuplong at papanagutin…
Ang sinumang sa ‘lagay’ ay naghihintay man din,
Anti-Red Tape Authority ang pagsusumbungan natin,
Mga tiwali sa alinmang ahensiya pihadong tutugisin.
Kaya nga nagkaisa sa paglagda sa panuntunan at patakaran,
Mga Masisipag na opisyales ng ilang sangay ng pamahalaan
Trade Secretary Ramon Lopez, CSC Chairperson Alicia Bala at
Anti-Red Tape Authority chairman Jeremiah Belgica marapat papurihan.
Nasa Mandato ng naisulat na batas…
Simpleng transaksiyon ay tatlong araw lang dapat.
Dalawampung araw naman ang pinakamatagal,
Para sa mga permit at lisensiya sa transaksiyong teknikal.
Kaya nga kayong mga negosyante…
Kung pagkuha ng lisensiya at permits ay natotorete…
Kung iniipit kayo dahil sa umano ay S-O-P,
Itawag n’yo ‘yan sa @arta.gov.ph. nang mga tiwali ay Matyope!
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)
Comments are closed.