NAGBUHOS si Milwaukee Bucks guard Damian Lillard ng 39 points at nagsalpak ng 11 3-pointers upang pangunahan ang Eastern Conference sa record-setting 211-186 win laban sa Western Conference sa NBA All-Star Game noong Linggo ng gabi sa Indianapolis.
Si Lillard, 33, ay itinanghal na NBA All-Star Game MVP sa unang pagkakataon para sa kanyang performance.
Winasak ng Eastern Conference ang record para sa pinakamaraming puntos ng isang koponan sa isang All-Star Game. Ang dating marka ay196 points, na naitala ni late Los Angeles Lakers great Kobe Bryant at ng Western Conference noong 2016 All-Star Game.
Nagdagdag si Boston Celtics forward Jaylen Brown ng 36 points sa 15-for-23 shooting para sa Eastern Conference sa panalo. Tumapos si Indiana Pacers guard Tyrese Haliburton na may 32 points sa 11-for-15 shooting na ikinatuwa ng fans na pinanood siyang naglalaro sa kanyang home court.
Nanguna si Karl-Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves para sa Western Conference na may 50 points sa 23-for-35 shooting. Nakalikom si Oklahoma City Thunder’s Shai Gilgeous-Alexander ng 31 points sa 12-for-16 shooting, kabilang ang 7-for-10 mark mula sa long distance.
Ang laro ay tinampukan ng 3-pointers at dunks, kung saan walang koponan ang nagbuhos ng lakas o atensiyon sa depensa.
Ang Eastern Conference ay bumuslo ng 56.8 percent (83-for-146) mula sa field at 43.3 percent (42-for-97) mula sa 3-point range. Ang Western Conference ay nagpasok ng 55.9 percent (80-for-143) overall at 35.2 percent (25-for-71) mula sa arc.
Gumawa ng kasaysayan si LeBron James nang maglaro sa kanyang ika-20 All-Star Game. Nalampasan ng 39-year-old si fellow Los Angeles Lakers great Kareem Abdul-Jabbar, na nakakuha ng 19 selections.
Gayunman, ang career milestone ay hindi tumugma sa memorable performance sa court para kay James. Tumapos siya na may 8 points sa 4-for-10 shooting, at nagmintis siya sa lahat ng kanyang tatlong 3-point attempts.
Umabante ang Eastern Conference sa 104-89 sa half. Tumipa si Lillard ng 22 points bago ang break, kabilang ang kalahating dosenang 3-pointers, upang tulungan ang kanyang koponan na kunin ang 15-point lead.
Napanatili ni Lillard ang kanyang mainit na kamay sa second half. Isinalpak niya ang isang spot-up shot mula sa halfcourt sa third quarter upang kunin ang 132-105 bentahe.
Ang Eastern Conference ay umiskor ng hindi bababa sa 50 points sa lahat ng apat na quarters.
Nagtala ang Western Conference ng 47 points sa first quarter, 42 sa second, 47 sa third at 50 sa fourth.