(Easter Sunday announcement) RODJUN CRUZ AT DIANNE MEDINA MAGKAKAANAK NA

RODJUN CRUZ AT DIANNE MEDINA

“HONEYMOON baby” ang caption ni Dianne Medina sa Instagram niya last Easter Sunday, na ipinakikita nila ng husband na si Rodjun Cruzshowbiz eye ang sonogram ng coming baby nila.  Seventeen weeks preggy na si Dianne matapos  nilang ikasal ni Rodjun last December 21, 2019 sa Manila Cathedral.

“Easter is all about celebration of New Life.  Today, as we celebrate the Resurrection of our Lord Jesus Christ, we are also celebrating this gift of NEW LIFE inside me! We are immensely happy to announce that Rj and I are expecting! I’m 17 weeks pregnant! We couldn’t be more thankful to our God for blessing us this baby on the way, and we thought it’s just fitting to share this with you all on Easter day. Please pray together with us on this journey.  God bless and protect us all! Happy Easter! Thank you LORD! So happy! #HoneymoonBaby

Si Rodjun naman caption niya: “Answered prayer! Thank you Lord.  The best ka talaga.  We love you! #babycomingsoon #happyeaster

More than 300 thousand likes na ang natanggap ng posts nina Rodjun at Dianne mula sa mga Kapuso stars ad netizens na masayang-masaya sa coming baby nila.

Congratulations!

 

SHARON CUNETA TUMUTULONG SA SMALL BUSINESSES SA GITNA NG KRISIS

IBA rin ang ginagawang pagtulong ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang mga followers sa social media na nangangailangan ng cooked foodsharon cuneta na idi-deliver sa kanila at para rin sa mga small businesses para kumita pa rin sila during this crisis.  Ito ang post ni Sharon sa kanyang Instagram:

“Do you deliver cooked food (prepared using the correct and safest ways ensuring that the packages are sanitized and preferably using biodegradable materials), groceries, vegetables, other necessities? In the comments section of this post, please write what your products are and your contact details, food and items offered, etc… This is for all my followers who might be looking for your services. This is also to help small businesses to be able to still earn during this crisis. Thank you so much. God bless us all!”

 

NAGBIGAY KAY ANGEL LOCSIN NG P3M PARA SA TENTS

           Pero hindi lamang iyan ang itinulong ni Sharon, ayaw man niyang ipaalam ang pagtulong niya pero si Angel Locsin ang nagsabi dahil nagalit siya roon sa mga kumukuwestyon kung ano na ba ang naitulong ni Sharon sa mga nangangailangan sa crisis ngayon. Ayon kay Angel, nagbigay sa kanya ng PhP3 million si Mega para sa kanyang project na nagbibigay ng tents sa hospitals para sa kanilang frontliners.

On their part naman, Sharon and husband Senator Kiko Pangilinan, ay namigay ng mga organic vegetables nila mula sa kanilang farm at sa halip na pangalan nila ang ilagay, ang Sweet Spring Country Farms na pag-aari nila ang inilagay nila.  Bukod doon, nag-provide din sila sa frontliners and volunteer workers sa mga hospitals ng hot meals, through partnership nila sa Mesa at Barrio Fiesta restaurants.  Ang Senate office ni Sen. Kiko ay nag-donate rin ng sterilizers sa mga hospitals.  Maraming salamat.

2 thoughts on “(Easter Sunday announcement) RODJUN CRUZ AT DIANNE MEDINA MAGKAKAANAK NA”

  1. 999946 984562Rapidly and easily build your internet traffic and PR, which provides Web web site visitors to add your page to any social bookmarking web site. 909884

Comments are closed.