NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Kristiyanong Pilipino sa bansa at sa ibang bansa na gawing panahon ng pagpapanibago at pagbangon ang pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay.
Sa kanyang mensahe sa paggunita ng Easter Sunday, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga mananampalataya na maglaan ng araw “upang huminto at magpasalamat sa pagkakataon para sa pag-renew at pagbawi habang itinutulak natin ang ating paghahanap para sa tunay na pagkakaisa at pag-unlad para sa lahat.”
Ani Pangulong Marcos, itinuturo sa atin ng Pasko ng Pagkabuhay na hangga’t nabubuhay tayo kay Kristo, ang pag-ibig at pag-asa ay mananatiling walang hanggan at magiging pundasyon ng positibong pagbabago sa ating lipunan”. EVELYN QUIROZ