EASTERLIES EEPEKTO PA RIN

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa)  na ang easterlies pa rin ang patuloy na nakaaapekto sa mala­king bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdadala ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mga pag-ulan o thunderstorms sa Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region.

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mga pag-ulan o thunderstorms din naman ang inaasahang mararanasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

Posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.