QUEZON CITY – IPINARATING ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makararanas ang malawak na bahagi ng bansa ng easterlies o hangin mula sa Pacific Ocean.
Ayon sa state weather bureau, ang Bicol Region, Visayas, at Mindanao, ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms.
Asahan na anila ang posibleng pagkakaroon ng flash floods sa mga lugar na maaapektuhan ng severe thunderstorms.
Samantala, ang Kalakhang Maynila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay makakaranas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasama ring rainshowers subalit dahil naman ito sa localized thunderstorms. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.