EASTERN MAPAPALABAN SA GINEBRA

Mga laro ngayon:
(Ynares Center Antipolo)
5 p.m. – San Miguel vs Blackwater
7:30 p.m. – Eastern vs Ginebra

MASUSUBUKAN ang husay at lakas ng guest team Eastern sa pagharap sa Barangay Ginebra sa PBA Commissioner’s Cup ngayong Linggo sa Ynares Center sa Antipolo.

Sasalang ang Hong Kong-based unit sa 7:30 p.m. match tangan ang 4-1 record, kabilang ang panalo sa huling dalawang laro laban sa Blackwater (84-75) at TNT (105-84).

Inaasahang bibigyan ni towering import Chris McLaughlin sina Ginebra big men Japeth Aguilar at Troy Rosario ng hamon sa gitna sa kanyang ikalawang laro makaraang palitan si injured Cameron Clark.

Pinangunahan ni 6-foot-10 McLaughlin ang Eastern laban sa Bossing sa likod ng malalaking numero na 32 points at 23 rebounds kung saan nalusutan ng guest team ang 10-point deficit sa break.

Bagama’t mainit ang simula ng kanyang koponan, sinabi ni coach Mensur Bairamovic na ang pagharap sa Barangay Ginebra ay tiyak na magiging kakaibang karanasan para sa Eastern.

“Ginebra is one of the best teams here, the most popular, with a very good coach leading the team and very good players, too,” sabi ng Bosnian native.

“We’ll see. Will try to fight the best way we can and make them (Kings) play hard in this game.”

Ang paglalaro laban sa isang Hong Kong guest team ay hindi na bago sa PBA ballclubs, lalo na sa Ginebra.

Dalawang taon na ang nakalilipas, nakalaban ng Kings ang powerhouse Bay Area Dragons para sa Commissioner’s Cup championship sa isang title series na umabot sa pitong laro.

Tinalo ng Kings ang Dragons, 114-99, sa Game 7 sa harap ng record crowd na 54,589 sa Philippine Arena sa Bulacan.

Tatlong players mula sa parehong Bay Area squad —Hayden Blankley, Kobey Lam, at Glenn Yang — ang kasalukuyang naglalaro para sa Eastern.

Ang Ginebra ay may mainit na conference debut sa likod ng 109-100 panalo kontra NLEX sa larong nag-debut si Rosario sa isang Kings uniform.

Ang 6-foot-7 na si Rosario ay tumapos na may 9 points at 7 rebounds para sa Kings, na nakakita ng bayani sa katauhan ni sophomore Stephen Holt kasunod ng 26-point explosion, kabilang ang 20 sa third quarter.

Sa unang laro sa alas-5 ng hapon ay magsasalpukan ang Blackwater at defending champion San Miguel.

Pinutol ng Bossing ang three-game spunk kasunod ng 114-98 panalo kontra Meralco upang makapasok sa win column sa likod ng 65-point output nina import George King at rookie guard Sedric Barefield.

Umaasa naman ang Beermen na makakuha ng mas maraming puntos mula kay bagong import Torren Jones, pumalit kay Quincy Miller na naigiya lamang ang koponan sa 1-2 kartada. CLYDE MARIANO