ISINAILALIM sa State of Calamity ang Eastern Samar bunsod ng matinding pagbaha at landslide sa probinsya dulot ng mga nararanasang pag-ulan.
Inaprubahan ito ng Sangguniang Panlalawigan ng Samar sa pangunguna ni Vice Governor Maria Caridad Goteesan alinsunod SA kautusan ni Governor Ben Evardone.
Sa resolusyon, iniulat ng Disaster Office ng lalawigan na 22 bayan ang nakaranas ng pagbaha at 248,968 katao ang naapektuhan.
Sa pamamagitan ng deklarasyon ay pinahihintulutan ang lokal na pamahalaan na i-tap ang Calamity Reserve Fund na epektibo nitong Biyernes hanggang sa alisin ng provincial board kapag naging normal na ang sitwasyon.
Samantala, nasa State of Calamity na rin ang ilang mga probinsiya ng eastern Visayas dahil sa mga naging pagbaha at pagguho ng lupa. DWIZ 882