EASTERN SAMAR NILINDOL

lindol

NIYANIG ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Eastern Samar dakong alas-3:39 ng madaling araw kahapon.

Ayon sa  Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang episentro ng lindol ay nasa layong 78 kilometro Hilagang-Silangan ng Borongan City.

May lalim itong siyam na kilometro at tectonic ang dahilan.

Wala namang inaasahang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.

Comments are closed.