DAHIL sa extension Low Pressure Area (LPA) naitala ang mga biglaang buhos ng ulan ang Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang LPA sa layong 1,055 km sa silangan ng Mindanao.
Nagdudulot din ng paminsan-minsang buhos ng ulan ang shear line o malakas na ihip ng hangin sa iba pang parte ng Mindanao.
Habang northeast monsoon o amihan naman ang nagdadala ng malamig na hangin sa Luzon at Visayas.