EASY PASSPORT STAMPING PARA SA OFW

passport

PASAY CITY – PINADALI na ang passport stamping sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa mga overseas Filipino worker (OFW) at ito ay sa pamamagitan ng e-gate machines.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang dating 40 to 45 minutes passport processing ay magagawa lamang sa loob ng 10 segundo  at maiiwasan na ang mahabang pila ng mga arriving passenger sa NAIA.

Sinabi ni Morente na sa kasalukuyan, limang e-gates ang gumagana sa arrival sa NAIA Terminal 1, 2 at 3, kaya nito i-proseso ang 500 OFWs sa loob ng 10 minuto.

Aniya, kapag may problema, mayroon naka-stand-by personnel ang BI na maaring tumulong o mag-assist sa paggamit ng e-Gate machine.

Dagdag pa ni Morente na 13 e-gates ay ­operational na sa NAIA at tatlo naman sa Mactan Airport sa Cebu, at dalawa sa Davao Interna­tional airport. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.