INIHAYAG ni Senate President Vicente Sotto III na may hawak siyang ebidensiya na nagsusuot ng damit pambabae si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa loob ng National Bilibid Prison.
Ito ay kasunod ng pahayag ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na ayon sa mga correction officer ay isa nang “changed man” ang dating alkalde.
Ayon kay Sotto, ilalabas niya sa publiko ang litratong nagpapakita na nakadamit pambabae si Sanchez.
Iginiit din ng Senate president ang panawagang suriin ang batas na posibleng pagbatayan ng pagpapalaya sa dating mayor na nasentensiyahan ng ilang ulit na habambuhay na pagkabilanggo dahil sa rape-slay sa UPLB student na si Aileen Sarmenta at pagpatay rin sa nobyo nito.
Samantala, ikinokonsidera ng Department of Justice ang pansamantalang pagsuspinde sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) ng mga inmate.
Ito ay kasunod ng mga batikos sa posibleng paglaya ni Sanchez.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sinusuri ng ahensiya ang polisiya ng GCTA na siyang pagbabatayan para sa paglaya ni Sanchez at ng mahigit 10,000 inmates.
Matapos aniya ang pagsusuri, ang bagong polisiya na ang pagbabatayan ng Bureau of Corrections sa pagpapalaya ng mga kuwalipikadong preso. DWIZ882
Comments are closed.