EBOLA VIRUS KUMAKALAT SA UGANDA

IPINATUPAD  ni Uganda President Yoweri Museveni ang tatlong linggong lockdown sa dalawang distrito sa lugar dahil sa kumakalat na ebola virus.

Kabilang sa isasara ang mga simbahan, pamilihan, bar at restaurant sa Mubende at Kassanda.

Papayagan naman ang mga cargo truck na pumasok at lumabas sa dalawang lugar pero ang lahat ng transportasyon ay suspendido.

Nabatid na nasa 58 kumpirmadong kaso ang naitala sa Uganda at 19 ang namatay.

Matatandaan noong 2019 nang huling nakapag-ulat ang Uganda ng nasawi sa naturang sakit.