NAGTAPOS na ngayong araw ang pagsasanay ng Department of Health (DOH)-Calabarzon sa paggamit at pagbasa sa ECG (electrocardiogram) at ultrasound sa mga health worker at mga doktor mula sa mga nasasakop na lalawigan.
Pinangunahan ni DOH Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) regional director Eduardo Janairo ang pagsasanay sa pakikipagtulungan ng mga espesyalistang doktor mula sa Philippine Heart Center.
Ayon kay Dr. Janairo, sa 800 na rural health units (RHUs) na mayroon ang Calabarzon, 60% dito ang may ECG machines, ngunit 90% ang hindi marunong gumamit kaya inilunsad nito ang Training on ECG and Ultrasound Operation and Interpretation sa Eurotel Vivaldi sa Cubao, Quezon City.
Ilang health facilities ang pinagkalooban ng ECG at ultrasound machine sa Calabarzon, ito ang unang pagkakataon na isinagawa ng DOH sa pamumuno ni Janairo ang pagsasanay na nilahukan ng 80 city health officers, municipal health officers, nurses at non-communicable disease coordinators sa mga piling munisipalidad at lungsod sa rehiyon.
“It is very important that our health workers know how to accurately diagnose and assess test results from these machines to be able to present proper treatment for early prevention of diseases,” pahayag ni Janairo.
Nangako pa si Janairo na bibili pa ang kagawaran ng makabagong ECG at ultrasound machines para magamit at makatulong na malaman ng mga pasyente kung sila ay may karamdaman.
Ang ECG o EKG ay ginagamit upang ma-assess ang electrical at muscular functions ng puso.
Comments are closed.