ECHO IN THE VALLEY OF STARS

Jericho Vibar Rosales ang tunay niyang pangalan,  na isinilang noong September 22, 1979. Tinatawag rin siyang Echo ng marami.

Of course, alam nating isa siyang mahusay na aktor. Kumakanta siya, sumusulat din ng kanta, at naging film producer for a time.

Dahil guwapo at mahusay di lamang artista, sumikat siya bilang leading man sa mga romantic drama, kapartner ang isa pang sikat na aktres na si Kristine Hermosa na nakarelasyon niya in reel and real life for a time. Nagkasama sila sa mga sikat na teleserye at mga pelikulang naging blockbuster. Naunang kinilala ang tambalang Echo-Tin kesa KathNiel na pinilahan sa takilya ng napakaraming fans, at kinilala sila hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Kinilala si Echo sa Guam International Film Festival, Newport Beach Film Festival, Gawad Urian, Metro Manila Film Festival Awards at Star Awards for Movies, at naging nominated sa ASEAN International Film Festival and Awards, FAMAS Awards at Luna Awards. Hindi ba “wow?”

Nagsimula ang showbiz career ni Echo nang manalo siya sa “Mr. Pogi” noong 1996 sa Eat Bulaga! Seventeen years old lamang siya noon. Ngunit ning 1997, sa halip na sa GMA7, ipinakilala siya sa 4th Batch ng Star Circle bilang ta­lent ng Star Magic, sa ilalim ng pamamahala ng ABS-CBN. Dito siya nagsimulang sumikat.

Gumanap siya bilang Angelo Buenavista sa romantic drama na Pa­ngako Sa ‘Yo (2000), kung saan kapartner niya si Kristine Hermosa. Dito rin nakilala syempre ang magagaling na aktres na sina Jean Garcia bilang Claudia Buenavista at Eula Valdez sa papel na Amor Powers.

Mula sa ‘Pangako Sa’yo,’ nagbida naman si Echo sa sa International Emmy-nominated series na Kahit Isang Saglit (2008), Dahil May Isang Ikaw (2010), The Legal Wife (2014) at Bridges of Love (2016).

Nagbida rin siya sa Sana’y Wala Nang Wakas (2003), Panday (2005), Green Rose (2011) at Halik (2018) na kumilala at nagpatatag sa kanya bilang pangunahing aktor sa soap opera — kasabay syempre ni Piolo Pascual, at ibang istorya naman si Papa P.

Kinilala si Echo bilang “Asian Drama King”, at isa sa pina­kamatagumpay na Filipino actors sa Asia.

Noong 2012, tinanggap niya ang Achievement in Acting award sa Guam International Film Festival at nanalo ng Best Actor sa Newport Beach Film Festival noong 2013.

Nakuha rin niya ang una niyang Gawad Urian for Best Actor sa pelikulang Alagwa (2012).

Sa romantic comedy na Walang Forever (2015), nakopo niya ang Metro Manila Film Festival Award for Best Actor.

Sa pagganap naman niya sa biographical film na Pacquiao: The Movie (2006) at romantic war movie na Baler (2008), naiuwi niya ang Star Award for Movie Actor of the Year. Limang palakpak naman diyan para kay Echo.

RLVN