ECO-FRIENDLY HOME NAKAKAPAGPATALINO, NAKAGAGAAN SA ULO

SAKIT ng ulo, pagkahilo, pagsusuka, kawalan ng koordinasyon … sandal lang,  ito ba ang mga nakakatakot na side effects ng commercial na prescription drugs? Hindi po. Iyan po ang mga sintomas ng mga sakit na nakukuha sap agkakaroon ng pangit indoor air quality. Ang mga bahay na eco-friendly ay nag-i-incorporate ng mga materyales at teknolohiya na mas napoprotektahan ang kalidad ng kangin sa loob ng inyong tahanan.

Ang tanong: nakakapagpatalino ba ang mga bahay na eco-friendly? Nai-improve ba nito ang brain function? Opo! Yes na yes! Hayaan ninyong i-share namin sa inyo kung paano napapaganda ng bahay na eco-friendly ang indoor air quality na nakaaapekto sa’yo at sa araw-araw mong gawain.

Ang healthy indoor environment, kung saan kasama ang mechanical ventilation with heat recovery (MVHR) system ay kailangan sa isang tahanang kulong na kulong at walang gaanong halaman sa kapaligiran. Mas maganda kung mayroong renewable energy systems, tulad ng solar PV at solar thermal. Iwasan din ang plastic.

Sa Pilipinas, ang Manuel L. Quezon University ang kauna-unahang iskwelahang gumamit ng off-grid solar systems para sa kanilang mga classrooms. Of course, hindi sapat ito para sa lahat ng pangangailangang enerhiya ng unibersidad, pero halos kalahati ng bill nila ang nabawas. Hindi eco-looking ang mga building sa MLQU, pero capable sila para makakuha ng renewable energy gamit ang mga solar panels at iba pang environmentally-friendly features.

Hindi murang magpagawa ng building na eco-friendly, pero kahit mahal, masusulit ito eventually, bukod pa sa may mga health benefits din kayong makukuha rito.

Tandaang mas posib­le ang pagkakasakit sa indoor air pollution level kesa air pollution sa labas. Halos 90 percent ng oras natin ay nasa loob tayo ng bahay lalo na ngayong pandemya. Ayon sa dalawang pag-aaral, may alarming effects ito sa cognitive performance ng tao. Ikinumpara ng mga researchers ang cognitive function ng mga nakatira sa conventional buildings vs. doon sa mga nakatira sa mga green buildings na may maayos na ventilation. Napatunayang nadodoble ang cognitive function test scores na nakatira sa mga building na may mga halaman.

Sa isa pang pag-aaral, dalawang high-performing buildings ang sinubukan, ang isa ay green certified at ang isa naman ay hindi. Pareho silang may low carbon dioxide level, low VOCs, high ventilation rates, at may mataas na bilang ng participants sa thermal comfort zone. Ang green-certified buildings ay may mas mababang indoor humidity at mas maliwanag kesa high-performing, non-certified building. Ang nakatira sa green buildings ay may mas mataas na cognitive score dahil mas madali silang makatulog at mas sariwa ang hangin sa loob ng bahay.

Maraming paraan upang maiwasan ang indoor air pollution, at karamihan dito at simple lang. Yung ibang paraan, medyo mahal, pero me­ron din namang mura lang.

Para masigurong malinis ang hanging inyong nalalanghap, pwedeng gumamit ng indoor air purification system at filtration system – yan po ang medyo mahal. Pero pwede ring lagyan na lamang ng ventilation ang bathrooms at kusina at syempre, dapat din ay properly maintained ito. Maglagay ng trickle vents sa mga bintana. Ang trickle vents ay maliliit na openings kung saan nakakapasok ang sariwang hangin na hindi naaapektuha ang temperature sa loob ng bahay.

Kung gusto ninyo ng mas murang option, try opening your windows every day for at least five minutes to increase circulation.

 

ADDRESS OUTDOOR CONTAMINANTS

  • Vacuum your floors and rugs. The more often, the better the results.
  • Don’t wear your shoes around the house.
  • If you live near a factory, highway, or busy road, keep windows closed during peak emission hours.
  • Make sure your filters are clean! Make it a spring cleaning habit.

 

Whether you’re starting construction from scratch or doing a remo­del, take steps to reduce possible sources indoor air pollution. Make sure you do your research to find companies that are environmentally responsible and avoid manufacturing with harmful chemicals. Even if you aren’t building new or remodeling, smaller steps like we mentioned above can make a significant difference, too. Eco-friendly homes are a win-win solution for your health and the planet – something we should all take advantage of in whatever way we can!

80 thoughts on “ECO-FRIENDLY HOME NAKAKAPAGPATALINO, NAKAGAGAAN SA ULO”

  1. Hey Tһere. I found your blog ᥙsing msn. This is a very ѡelⅼ written aгticle.
    I’ll make sure to bookmark iit and return to read more of your
    useful info. Thanks for ttһe poѕt. I wilⅼ definitely comeback.

    My page :: forex robot

  2. 577116 803450Sounds like some thing plenty of baby boomers need to study. The feelings of neglect are there in a lot of levels when a single is over the hill. 907299

Leave a Reply

Your email address will not be published.