Sa personal nating buhay, madalas tayong umaasa sa sistema ng GPS upang ma-navigate ang mga lugar na hindi tayo pamilyar o hindi natin kabisado — para makarating sa tamang destinasyon.
Masasabing ang budget, sa daigdig ng economic development, ang nagsisilbing kaparehong guide. Tumutulong ito upang magkaroon ang negosyante ng tamang economic goals, siguruhing responsable ang bawat labas ng pera, at siguruhing maayos na nama-manage ang resources.
Ngunit tulad ng karaniwang GPS system, kailangan nito ang continuous updates at adjustments base sa takbo at pangyayari ng economic landscape. Minsan kasi, nakakalito at nakakatawa na rin ang budgetary decisions ng mga ekonomista at manlilikha ng batas. Tinitimbang nila ang competing interests at umaasa sa hindi dapat asahan — na nagreresulta sa pagkaligaw — tulad ng madalas nangyari sa atin sa GPS system.
Sa grand performance ng economic development, natural lamang na bida ang budget, at ito ang nagdidikta ng tamang financial decisions, surprises, at public opinions. Ito ang humaharap sa bansa sa masukal na gubat ng ekonomiya, tungo sa paglago, stability, at kung minsan, mga hindi inaasahang detours.
Nakita natin ang hindi karaniwang financial tool lamang ang budget; isa itong dynamic script na humuhubog sa kasaganaan at well-being ng bansa. Habang hindi magkamayaw ang mga ekonomista at mambabatas sa paggawa ng mga kumplikado nilang economic decisions, sa totoong buhay, mga ordinaryong mamamayan ang higit na apektado. Kaya, habang ipinagpapatuloy natin ang ating paglalakbay sa landscape ng national budgets gamit ang ating maliit na negosyo, alalahaning hindi lamang numero ang pinag-uusapan natin dito. Kasama rin ang choreography ng economic future ng bansa.
Sa huli, budget pa rin ang nagsisilbing ultimate financial script sa economic development ng bansa.
Kung maayos man o hindi ang kanilang planning, sa ayaw at sa gusto natin, apektado tayo, maliit ka man o malaking negosyante, o kahit pa nagtitinda ka lang ng fishball sa kanto.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE