ECONOMIC GROWTH FORECAST PARA SA PH ITINAAS NG ADB SA 6.5%

PH ECONOMIC GROWTH

TINAASAN ng Asian Development Bank (ADB) ang growth projection nito para sa ekonomiya ng Pilipinas sa gitna ng pagluluwag ng pandemic restrictions at ng vaccination program ng pamahalaan.

Mula 6%, tinataya ngayon ng ADB na lalago ang ekonomiya ng bansa ng 6.5% ngayong taon.

Ang upgraded outlook ng bangko ay pasok sa 6.5% hanggang 7.5% growth target mg pamahalaan para sa 2022.

Tinukoy ng regional lender ang economic performance ng bansa sa first quarter kung saan naitala ang paglago sa 8.3%, mas mataas sa market forecasts at sa 7.8% rate na naitala sa huling tatlong buwan ng 2021.

“This is supported by the recovery in investment and household consumption,” pahayag ng ADB sa Asian Development Outlook (ADO) 2022 Supplement na inilabas nitong Huwebes.

“Wider COVID-19 vaccination coverage and relatively mild health impacts from the Omicron variant allowed the economy to reopen further. Mobility data across several activities, including work and recreation, are now back to pre-pandemic levels,” nakasaad pa sa report.

Tinukoy rin ng Manila-based company ang private sector indicators tulad ng patuloy na pagtaas ng Purchasing Managers’ Index (PMI) na sumusukat sa manufacturing activity, industrial production, at imports.

“Strong domestic demand supported by a pick-up in employment and remittance inflows, private investment expansion, and large public infrastructure projects will underpin the country’s recovery from the economic impact of the pandemic,” wika ni ADB country director Kelly Bird.

Gayunman, nagbabala siya hinggil sa mga hamon na posibleng maging banta sa paglago sa mga nalalabing buwan ng taon.

“There are significant downside risks to growth in the second half from a slowdown in the major advanced economies and the possibility of elevated commodity prices being sustained due to the war in Ukraine,” dagdag pa ng ADB.

Tinaasan din ng regional development bank ang inflation estimates nito para sa Pilipinas. Mula 4.2%, inaasahan nito ngayon ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa 4.9% ngayong taon, mas mataas sa 2-4% target band ng Bangko Sentral ng Pilipinas.