(Economic reforms ng Duterte admin ibinida sa Expo 2020 Dubai) UAE BIZMEN NILIGAWAN NG PINAS

Ramon Lopez

IBINIDA ni Trade Secretary Ramon Lopez ang economic reforms ng administrasyong Duterte sa mga investor sa United Arab Emirates (UAE) sa pagsisikap ng bansa na makahikayat ng mas maraming foreign investments.

Sa isang statemen, sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na isinulong nito ang Pilipinas bilang “premium investment destination” sa Country Business Briefing sa Expo 2020 Dubai nitong Pebrero 11.

Sa kanyang pakikipagpulong sa mga business executive sa Dubai, sinabi ni Lopez na itinutulak ng Philippine government ang key economic legislations na magluluwag sa foreign equity restrictions sa bansa.

Naisabatas na ang amendments sa Retail Trade Liberalization Act, habang ang amendments sa Foreign Investments Act and Public Service Act ay inaprubahan ng Kongreso at hinihintay na lamang ang pirma ni Presidente Rodrigo Duterte.

“Increased competition in the Philippine market is expected in terms of services and products which will generate better quality of and competitive pricing to the benefit of the consumers,” sabi ni Lopez sa UAE-based investors.

Idinagdag niya na ang corporate income tax ay ibinaba mula 30 percent sa 25 percent sa pamamagitan ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) law at nagkakaloob ito ng kumpetitibong tax perks sa mga investor.

Hinikayat ng DTI chief ang mga investor mula sa Emirates na tingnan ang investment opportunities sa electronics, hyperscalers, automotive, copper, nickel, aerospace, agribusiness, at iba pa.

“While the pandemic remains to be very challenging, we are already seeing signs of recovery, with some indicators even already exceeding pre-pandemic 2019 levels,” ani Lopez.

Aniya, ang Pilipinas ay nagtala ng 7.7-percent gross domestic product (GDP) growth sa fourth quarter ng 2021 at full-year growth na 5.6 percent, na isa sa pinakamataas na economic expansions sa Asean at East Asia.

Sa kanyang pagbisita sa UAE ay sinaksihan ni Lopez ang paglagda sa tatlong letters of intent (LOIs) at isang memorandum of understanding (MOU) mula sa Middle East investors.

Ang LOIs at MOU ay inaasahang magpapasok ng  USD580 million na halaga ng investments sa Pilipinas sa mga sektor ng medical equipment retail, dairy production, theme park deve­lopment, at renewable energy ­projects. PNA