ECONOMIC ZONES, NO SMOKING ZONE NA RIN

no smoking

INILUNSAD ng  Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang isang nationwide program na mahigpit na magbabawal sa  paninigarilyo sa lahat ng economic zones sa buong bansa.

Sa paglulunsad ng smoke free program sa Baguio City Economic Zone Authority (BCEZA) na  tinaguriang “Revolution Smoke-Free.”, pinahalagahan ni PEZA Director General Charito Plaza ang pagtataguyod ng healthier work places sa loob ng busi-ness zones — para na rin sa kanilang mga empleyado dahil sa paraang ito  makikita ang malasakit ng PEZA sa kalusugan at kapa-kanan ng mga empleyado, kanilang pamilya at sa buong bansa.

Bumuo rin ang PEZA ng mga task force na mayroong deputized agents, kabilang na ang mga senior citizen upang ipatupad maging tagapagpatupad ng kanilang programang naaayon din sa isang ordinansang pinaiiral ngayon sa lungsod ng Baguio.

Kaugnay nito, idineklarang smoke free at modelo ng nasabing programa ang Baguio City Economic Zone Authority (BCEZA).   FERNAN ANGELES

Comments are closed.