NAKATUTUWANG malaman na may pelikulang nagawa tungkol sa pandemya. Ito ay ang pelikulang ECQ Diary ( Bawal Lumabas ).
Mas nakatutuwang malaman na bida sina Elizabeth Oropesa at Daria Ramirez. Hindi na nabibigyan ng lead roles usually ang mga seasoned actress. Pero tamang-tama dahil role ng dalawang senior citizen ang ginagampanan nila.
Umiikot ang kuwento ng dalawa sa panahon ng quarantine.
Ang ECQ Diary ( Bawal Lumabas ) ay sa panulat at direksiyon ng journalist/filmmaker na si Arlyn Dela Cruz-Bernal.
Reunion movie ito bale nina Elizabeth at Daria na matalik na magkaibigan sa tunay na buhay. Sa pelikula, magkapatid sila.
Si Elizabeth din nga pala ang Executive Producer ng pelikula. Sabi ni Elizabeth na kilala bilang La Oro sa entertainment industry, obligasyon ng mga tulad niyang nasa sining ang alalahanin sa pamamagitan ng paglikha ng isang pelikula.
We agree!
BY ERIC BORROMEO
Comments are closed.