INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) para palawigin pa ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Cabinet Secretary at IATF spokesperson Karlo Nograles, nakasaad sa rekomendasyon nila ang pagpapalawig ng ECQ hanggang 11:59 ng Abril 30, 2020.
Nabatid na masusing pinag-aralan muna ng Pangulo ang nasabing rekomendasyon bukod pa sa mungkahi ng ibat ibang sektor na pabor sa pagpapalawig pa ng umiiral na ECQ bago tuluyang inaprubahan.
“‘Yung ECQ is up to April 30,11:59 pm.Ito ang rekomendasyon ng IATF na tinanggap ni Pangulonhg Duterte at in-announce na niya kagabi. Matapos ang kanyang announcement vinerify namin, ang ECQ is hereby extended until 11:59pm of April 30,” ayon kay Nograles.
Kamakalawa ng gabi, Lunes, Abril 6 ay inihayag ni Pangulong Duterte na pabor siya na i-extend ang Luzon-wide quarantine ng hanggang Abril 30.“Provided, that all exemptions granted by the Office of the President or the IATF shall continue to be in effect for the duration of the extended ECQ,” ani CabSec Nograles, na pinagbasehan ay ang resolusyon ng IATF na ipinasa nito sa nasabing araw.
Sa gagawing extension ay iiral pa rin ang mga kasalukuyang guidelines ng IATF kabilang na ang pabibigay ng exemptions sa medical frontliners at iba pa.
Pero ayon kay Nograles na kay Pangulong Duterte pa rin ang pagpapasya sa gagawing pagpapalawig sa ECQ.
May diskresyon aniya ang Pangulo na i-relax ang ilang guidelines sa pagpapatupad ng ECQ sa ilang lugar, o magdagdag ng exemptions sa iba pang sektor.
“Provided further that such extension of the ECQ shall be without prejudice to the discretion of the President to relax the implementation of the ECQ in some local jurisdictions, or the granting of exemptions in favor of certain sectors, as public health considerations and food security may warrant.” VERLIN RUIZ
Comments are closed.