ECQ EXTENSION OKEY SA SOLONS

Sen Sonny Angara-3

PABOR ang mga senador na palawigin  pa ng panibagong 15- araw ang ipinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ)  bunsod ng patuloy na krisis sa Corona Virus Diseas ( Covid -19).

” Tama naman, government and PRRD are just exercising the required caution and diligence of a good  father of a family,” ayon kay  Senador Sonny Angara.

Ani Angara, ang desisyon ng Pangulo ay ibinase naman sa konsultasyon  mula sa mga eksperto at  department heads bukod pa sa  naging batayan  ang nangyari  sa ibang mga bansa na niluwagan ang quarantine ngunit patuloy na lumalaki ang tinatamaan  ng virus.

“Between now and the 30th, the government, hopefully aided by media, should advise LGUs, especially barangay officials on the dos and don’ts of this new animal called the GCQ or general community quarantine. Otherwise baka happy happy ulit and magkahawaan. Laging dapat tandaan,  that we are only as strong as our weakest links, “ani Angara

Subalit, dapat na pabilisin ang pagbibigay ng cash assistance sa mga mahihirap na pamilya.

Sa panig naman ni Senador Sherwin Gatchalian, sinabi nito na makatwiran lamang ang naging kapasiyahan ng Pangulo lalo’t nagsisimula pa lamang  ang mass testing.

Base sa datos, lumalabas na 3,000 pasyente  lamang kada araw ang puwedeng i-test  alinsunod sa kapasidad ng mga laboratoryo.

Ngunit, 900,000 ang target ng pamahalaan na  mai-test sa susunod na tatlong buwan  at kung mangyayari ito ay kinakailangan ng 21,000 test kada araw.

Kaya kung tatanggalin ang ECQ  sa NCR at sa iba pang high-risk areas, mababalewala ang pagsisikap ng gobyerno na mapigilan ang patuloy na pagdami ng nagpopositibo sa COVID-19.

“Lifting it prematurely, our efforts might go to waste and I think this is the most conservative and the most prudent decision. And I support that.” giit ni Gatchalian.

Samantala, nagpahayag din ng suporta ang lider ng Kamara de Representante at isang House panel chairman sa desisyong palawigin pa hanggang Mayo 15 ang ECQ sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa, bunsod ng patuloy na pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga nag-positibo sa coronavirus disease.

Sa panayam ng mga mamahayag, binigyang-diin ni Speaker Alan Peter Cayetano na ang ECQ extension ay bilang pagsasaalang-alang sa kalusugan ng lahat at epektibo ang naturang paghihigpit sa galaw o aktibidad ng mga tao para kontrolin at sa pag-asang matapos na ang Covid-19 pandemic. VICKY CERVALES, ROMER BUTUYAN

SAKOP NG ECQ

Base sa isinumiteng  rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sakop ng 15-araw pang ECQ extension ang sumusunod na rehiyon at lalawigan: National Capital Region (NCR); Region III (Central Luzon) – Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, at Pampanga; Region IV-A (CALABARZON) at ilang lalawigan na kinabibilangan ng Oriental Mindoro; Occidental Mindoro, Albay; Ca­tanduanes at  Benguet.

Inirekomenda rin ang extension ng ECQ sa Pangasinan, Tarlac at Zambales pero subject for review pa at maari pang mabago pagsapit ng April 30.

Magpapatupad na rin ng ECQ sa iba pang lalawigan sa Visayas at Mindanao hanggang sa Mayo 15, 2020 ang Antique, Iloilo, Cebu, Cebu City, Aklan at Capiz pero sasailalim pa sa re-checking.

Napag-alamang nirerekonsidera ring high-risk ang Davao del Norte at Davao City kaya mananatili ang ECQ dito habang ang Davao de Oro ay mananatili rin ang ECQ pero sasailaim sa recheck.

Base sa rekomendasyon ng Task Force ang nasabing mga rehiyon at lalawigan ay maituturing pang high-risk sa paglaganap ng COVID-19.

Sa iba pang mga rehiyon at lalawigan na pawang moderate risk at low-risk, ipatutupad na lamang ang General Community Quarantine (GCQ). VERLIN RUIZ

Comments are closed.