ECQ EXTENSION SA NCR, POSIBLE–DOH

KINUMPIRMA ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na posibleng mapalawig pa ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy pang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, palaging nandiyan ang posibilidad ng pagpapalawig ng ECQ dahil base sa kanilang projections, kahit na umiiral na ang dalawang linggong hard lockdown ay patuloy pa ring tataas ang mga maitatalang COVID-19 cases.

“Nandiyan lagi ‘yung posibilidad because based on our projections, kahit magkaroon tayo ng dalawang linggong ECQ, patuloy pong tataas ang mga kaso natin,” paliwanag ni Vergeire, sa panayam sa telebisyon.

“Ang atin po lang objective for this ECQ is for us to prepare the system para mas ma-manage natin itong ganitong klaseng sitwasyon,” aniya pa.

Nilinaw naman ni Vergeire na ito’y kailangan pa ring talakayin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

“As to the extension of ECQ, of course, ito po ay pag-uusapan sa IATF,” aniya pa.
Ang Metro Manila ay kasalukuyang nakasailalim sa ECQ simula Agosto 6 hanggang 20 upang mapigilan ang pagkalat ng mga kaso ng COVID-19, partikular na ang Delta variant nito.

Gayunman, sinabi ni Vergeire na hindi lamang ang lockdown ang dapat na asahan, kundi kailangan din magsagawa ng iba pang mga pamamaraan upang mapigilan ang pagkalat pa ng virus.

“But based on what’s happening right now at ang patuloy na pagtaas ng kaso, hindi lang po ang lockdown ang dapat asahan natin and government is gearing towards that,” aniya.

“Kailangan nating paigtingin ‘yung iba pa nating ginagawa sa response so that economically hindi rin tayo masyadong ma-burden,” dagdag pa ni Vergeire. “So pag-uusapan ho lahat ‘yan sa IATF.”

Matatandaang nitong Lunes, una nang kinumpirma ni Vergeire na balik na sa high-risk ang klasipikasyon ng bansa dahil sa patuloy na pagdami ng naitatalang COVID-19 cases. Ana Rosario Hernandez

60 thoughts on “ECQ EXTENSION SA NCR, POSIBLE–DOH”

  1. 478819 835358We supply you with a table of all of the emoticons that can be used on this application, and the meaning of each symbol. Though it may possibly take some initial effort on your part, the skills garnered from regular and strategic use of social media will create a strong foundation to grow your business on ALL levels. 201655

  2. 902784 724121Aw, this became an really good post. In thought I would like to devote writing such as this moreover – taking time and actual effort to make a really excellent article but exactly what do I say I procrastinate alot and by no indicates locate a method to get something completed. 284672

  3. 899516 922089We offer the very best practical and most applicable solutions. All our Sydney plumbers are experienced and qualified and are able to rapidly assess your dilemma and locate the most effective remedy. 509662

  4. 387930 61012Howdy! I just want to give an enormous thumbs up for the fantastic data you may have here on this post. I will likely be coming back to your weblog for far more soon. 462745

Comments are closed.