ECQ, SEMANA SANTA IGINALANG NG PUBLIKO-PNP

IKINAGALAK ng Phi­lippine National Police (PNP) ang ipinakitang paggalang ng motorista o publiko sa ipinatupad panuntunan ng pamahalaan sa ilalim ng enhanced community qua­rantine (ECQ) gayundin sa Semana Santa.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, BGen. Ildebrandi Usana makaraang maiulat na 50,000 ang nabawas sa motorista sa North Luzon Expressway sa tatlong araw na sakop ng Cuaresma mula sa da­ting 70,000 dumaraan sa nasabing kalsada.

Nangangahulugan ito na 20,000 lang ang moto­ristang dumaan sa NLEX sa nasabing panahon habang na mas malaki kaysa hindi na nangilin o sumunod sa kautusang huwag munang lumabas.

“In fact, sa NLEX about 70,000 na mga motorista kasama na ang mga pampasaherong sasakyan, bumaba ito ng 20,000 na nagpapakita sa paggalang ng ating mga kababayan sa ECQ at sa Semana

Santa,” ayonkay Usana sa isang panayam.
Samantala, muling nanawagan si Usana sa publiko na sundin pa rin ang guidelines na ipinatutupad ng pamahalaan partikular ng Inter-Agency Task Force (IATF) kapag nakataas pa rin ang ECQ.

Gaya pa rin aniya ng noong isang taon sa pagpapatupad ng ECQ, bawal pa ring lumabas at ngayong pinalawig ito sa NCR Plus o Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan ganoon pa rin aniya ang dapat sunding health protocols.

Ipinaalala rin na kasabay ng extension ng ECQ na NCR Plus ang pananatili sa 6PM-5AM curfew.
EUNICE CELARIO

3 thoughts on “ECQ, SEMANA SANTA IGINALANG NG PUBLIKO-PNP”

  1. 623122 345762Specific paid google internet pages offer complete databases relating whilst individual essentials of persons even though range beginning telephone number, civil drive public records, as effectively as criminal arrest back-ground documents. 860922

  2. 875900 797099I was recommended this internet site by my cousin. Im not positive whether this post is written by him as nobody else know such detailed about my trouble. You are amazing! Thanks! 765758

  3. 918942 492183Do individuals still use these? Personally I really like gadgets but I do prefer something a bit a lot more up to date. Nonetheless, nicely written piece thanks. 935267

Comments are closed.