Si Eduardo “Eddie” Verchez Garcia, kilala rin bilang Manoy sa pinilakang tabing, ang Filipino actor na may pinakamaraming nagawang pelikula at TV performances.
Gumanap siyang bida, kontrabida, at nag-direct pa ng 37 pelikula kaya masasabing bukod sa pagiging aktor, isa rin siyang television personality, at filmmaker. Siya ang kinikilala at nirerespeto ng lahat na “greatest Filipino actor of all time”, dahil sa pagganap niya sa iba’t ibang papel sa halos 700 pelikula at television roles sa anim na dekada ng pamamalagi sa showbiz.
Nagkamit rin siya ng napakaraming awards, patunay ng kanyang kahusayan.