EDDIE GARCIA AT AI AI DELAS ALAS WAGI SA 14TH CINEMALAYA FILMFEST

EDDIE GARCIA-AI AI DELAS ALAS

INIHAYAG na ang mga nagwagi sa katatapos na 14th edition ng Cinemalaya Independent film Festival.

Tinalo ni Ai Ai delas Alas (School Service) sina Iza Calzado (Distance), Glaiza de Castro (Liway), Celeste Legaspi  (Mamang) at Perla Bautista (Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon) sa best actress race.

Wagi naman bilang best actor ang beteranong si Eddie Garcia para sa kanyang pagganap bilang isang retired military colonel na may dementia na naniniwalang buhay pa ang Martial Law sa “ML”. Ito ang ikatlong best actor award niya sa Cinemalaya pagkatapos ng “ICU Bed#7” at “Bwakaw”.

Tinanghal na best picture sa full-length category ang “Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon” ni Carlo Enciso Catu na siya ring nakakuha ng Net-pac citation.

Best short film naman ang “Jodilerks dela Cruz” ni Carlo Francisco Manatad .

Wagi naman bilang best supporting actor si Ketchup Eusebio para sa pelikulang “Mamang” kung saan ginagampanan niya ang  papel ng  mapagka-linga at beking anak ni Celeste Legaspi.

First time namang mangyari sa Cinemalaya na manalo ang isang aktres sa dalawang nominasyon sa kanya sa nasabing filmfest. Nangyari ito kay Therese Malvar nang magwagi siyang best supporting actress para sa “Distance” ni Perci Intalan at “School Service” ni Louie Ignacio.

Tinanghal namang best director si Che Espiritu para sa pelikulang “Pan de Salawal” samantalang si Xeph Suarez naman para sa  “Si Astri Maka si Tambulah” ang nag-uwi ng best director award sa short film category.

Standout din ang tatlong batang aktor na sina Kenken Nuyad (“Liway”at “School Service”) Miel Espinosa (Pan de Salawal) at JM Salvado (“Mus-mos Na Sumibol sa Gubat ng Digma” and “Pan de Salawal”) na pinagkalooban ng Special Jury Prize for acting.

Heto ang kompletong listahan ng mga nagsipagwagi:

Netpac Citation, full-length: Kung Paano Hinihintay Ang Dapit­hapon; Best feature film Full length: Kung Paano Hinihintay Ang Dapit­hapon;  Best Director, full-length feature film: Che Espiritu (Pan de Salawal);  Best Actor, full-length film: Eddie Garcia (ML);  Best Actress, full-length film: Ai Ai delas Alas (School Service); Best Supporting Actor, full-length: Ketchup Eusebio (Mamang); Best Supporting Actress, full-length: Therese Malvar (Distance at School Service);  Audience choice, short feature film: Kiko Audience choice, full-length feature film: Liway;  Best Sound, full-length feature film: Musmos Na Sumibol sa Gubat ng Digma;  Best Original Music Score, full-length: Pan de Salawal; Best Editing, full-length feature film: Mikael Pestano (ML); Best Production Design, full-length feature film: Marielle Hizon (Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon); Best Cinematography, full-length feature film:Neil Daza (Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon; Best Screenplay, full-length feature film: John Carlo Pacala(Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon);

Best Screenplay, short feature film: Christian Candelaria, (Sa Saiyang Isla); Netpac Citation, short feature film: Sa Sai-yang Isla; Best Director, short feature film: Xeph Suarez for Si Astri Maka si Tambulah; Best Short Feature Film: Jodilerks dela Cruz; Special Jury Prize for Acting: Miel Espinosa, JM Salvado and Ken Ken Nuyad; Special Jury Award: Pan de Salawal; Special Jury Commendation: Liway; Nespresso Short Film Awards 2018; Best film: SLN by Brian Spencer Reyes; 1st runner-up : Braveheart by Kevin Tuason; 2nd runner-up: Ako by Jonel Revistual.

Comments are closed.