Kilala natin siya sa kanyang screen name na Eddie Garcia ngunit ang tunay niyang pangalan ay Eduardo Verchez García, isang mestizo Filipino.
Isinilang siya noong May 2, 1929 at namatay habang nagtatrabaho pa rin noong June 20, 2019.
Siya ang most awarded and nominated person sa mahabang kasaysayan ng FAMAS Awards. Nakakuha siya ng kabuuang 34 nominations (13 for Best Supporting Actor, 10 for Best Actor ay 11 for Best Director).
Sa mga nabanggit, nakapag-uwi siya ng 6 na tropeo ng Best Supporting Actor, 5 Best Actor at 5 Best Director, 3 Hall of Fame Awards, 1 Lifetime Achievement Award at Fernando Poe, Jr. Memorial Award. Wow, di ba?
Nakuha niya ang una niyang FAMAS Award noong 1957 at ang huling FAMAS, Hall of Fame for Best Actor, noong 2003 — isang taon bago ako ipinanganak, ngunit inabutan ko pa ang iba niyang pelikula at syempre, ang makatotohanan niyang pagganap na contravida sa FPJ’s Ang Probinsyano with Coco Martin.
Siya rin ang kauna-unahang binigyan ng FAMAS Best Supporting Actor Hall of Fame FAMAS noong 1974.
Lumabas si Garcia sa 670 pelikula at television shows bilang actor, at naging director ng 37 films. Mas marami pa siyang pelikula kesa Kay Fernando Poe Jr., ang King of Philippine movies — kung saan paborito siyang kontrabida simula’t sapul pa lamang.
In fact, wala pang nakakatalo sa kanyang record sa dami ng nagawang pelikula at TV shows, kaya nga itinuturing siyang greatest Filipino actor of all time.
Leanne Martin