MATAPOS ang ilang araw na pakikipaglaban sa kamatayan ay sumakabilang buhay na ang beteranong aktor na si Eddie Garcia sa edad na 90.
Si Garcia ay naaksidente habang nasa kalagitnaan ng isang shooting sa Tondo, Manila, na unang inakala ay inatake sa puso.
Sa medical bulletin 6 na inilabas ng Makati Medical Center, namatay si Garcia dakong 4:55 ng hapon makaraan siyang dumanas ng spine injury.
Kinumpirma rin ng mga kaibigan ng aktor ang pagpanaw nito sa social media.
Kasama nito sa kanyang silid sa Intensive Care Unit ng ospital ang mga miyembro ng kanyang pamilya.
Ang medical bulletin ay nilagdaan nina Dr. Artemio Cabrera Salvador na siyang Division Head ng Patients Relations – Quality Management Divi-sion at Dr. Johnny Sinon na siyang medical director ng Makati Medical Center.
Una nang isinailalim sa DNR o Do Not Resuscitate status ang aktor nang ito ay hindi na magkamalay makaraan ang aksidente.
Si Garcia ay isinilang noong Mayo 2, 1929 sa Juban, Sorsogon.
Comments are closed.