EDDIE GUTIERREZ LIGTAS NA SA CANCER

EDDIE GUTIERREZ

SUMAILALIM kamakailan sa isang operasyon si Eddie Gutierrez dahil sa prostate cancer. Inanunsyo ng kanyang anak na panganay na si Ruffa Gutierrez ang pangyayari sa kanyang social media account. Ibinahagi rin ng actress na successful ang operasyon, at natanggal na ang mga cancer cells sa prostate ng kanyang ama.

Maraming celebrities ang nanalangin para sa senior actor, gayundin ang mga well wishers na sana ay maka-recover si Eddie. At natupad naman ito dahil matapos ang operasyon, ibinalita ni Ruffa na nagpapagaling na lamang si Eddie.

Ayon kay Ruffa, med­yo nahirapan siyang makabalik galing United States. Natatakot daw kasi siya sa kalalabasan ng operasyon, pero wala naman siyang mapagsabihan dahil alam niyang natatakot ang lahat ng miyembro ng kanyang pamilya, lalo na ang kanilang inang si Annabelle Rama.

“I experienced a tornado of emotions which I kept exceptionally private,” ani Ruffa.

Pero nakahinga na raw sila ngayon ng maluwag dahil nga successful nga ang operasyon, kaya nagpapasalamat sila sa Diyos, pati na rin sa mga doctors at nurses na nag-alaga kay Eddie sa St. Luke’s Quezon City.

Nag-special mention pa si Ruffa sa para sa kanya’y best urologist and anaesthesiologist na sina Dr. Steve & Joyce Lim. Malaki raw ang nai-tulong ng mga ito kay Eddie na nagpapagaling na ngayon.

Sa edad na 79, hindi pa rin naman kumukupas si Eddie na dating matinee idol sa Pilipinas at tinaguriang Elvis Presley of the Philippines.

Nagtungo si Ruffa sa US kasama ang kanyang dalawang anak noong isang linggo. Isa siya sa tatlong judges ng sikat na ABS-CBN “It’s Showtime” segment na “Reina ng Tahanan” kasama sina Janice de Belen at Amy Perez. – KAYE NEBRE MARTIN

139 thoughts on “EDDIE GUTIERREZ LIGTAS NA SA CANCER”

  1. 420755 63684For anyone one of the lucky peoples, referring purchase certain products, and in addition you charm all with the envy of all the the a lot of any other people about you that tend to have effort as such make a difference. motor movers 967513

  2. An integrative approach to the management of menopausal symptoms in this group of patients involves advising patients about appropriate dietary, exercise, and relaxation practices first, followed by advice about nutritional supplements and botanicals viagra doesn’t work FXYD2 mutations reduce subunit binding to the pump, although it is still unclear how this reduced interaction causes hypomagnesemia

Comments are closed.