EDDIE PEREGRINA, ORIGINAL JUKEBOX KING

Edgard Villavicencio Pe­regrina ang tunay niyang pangalan na isinilang noong 11 Nobyembre 1944. Mas kilala siya bilang Eddie Peregrina, dahil isa siyang Pilipinong mang-aawit at matinee idol noong dekada ’70 na hinahangaan noon at hanggang sa kasalukuyan ng napakaraming Filipino.

Tinagurian siyang “The Original Jukebox King.” Dahil uso pa noon ang jukebox kung saan maghuhulog ka ng singko sentimos o bagul at pipindutin ang buton, at maririnig mo na ang kanyang kalamyos na tinig. Si Eddie ang paboritong mang-aawit ng marami sa jukebox noong panahong iyon.

Pinakasikat siya sa mga hit na kanta gaya ng “What Am I Living For”, “Together Again”, “Two Lovely Flowers” at “Mardy”, bukod sa iba pa.

Namatay siya noong 30 Abril 1977, panahong nasa rukrok siya ng kanyang kasikatan sa edad na 32, isang buwan pagkatapos ng aksidente ng kanyang sa sasakyan sa EDSA sa Mandaluyong.

Kaye VN Martin