ISA NANG opisyal na Kapuso ang aktor na si Edgar Allan Guzman matapos pumirma ng management contract sa GMA Artist Center kahapon kamakailan.
Nagsimula ang showbiz career ni EA sa Eat Bulaga ng tanghalin siyang grand winner ng “Mr. Pogi” noong 2006. Ngayong isa na siyang ganap na Kapuso, nagpapasalamat ang mahusay na aktor sa mainit na pagtanggap sa kanya ng GMA.
Aniya, “Dito talaga ako nagsimula. Masaya ako na ngayon pa lang, ramdam ko na ‘yung pag-aalaga at suporta ng GMA sa akin. I’m proud to say na Kapuso ako.”
Malapit na muling mapanood si EA sa upcoming GMA Afternoon Prime fantasy series na Dragon Lady, kung saan makakasama niya sina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez.
“Isa akong Chinese businessman. Nagkakilala kami ni Janine nang pumasok siya sa company namin as an executive. Dahil babae siya, hinusgahan ko siya na hindi niya kayang magpatakbo ng isang kumpanya. Habang minamaliit ko siya, nai-in love na pala ako sa kanya.”
Ipinahayag naman ni GMA Entertainment Group Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable ang kanyang tiwala sa talento ng aktor.
“We are very happy that EA has chosen to put his trust in GMA and GMA Artist Center. He is a an award-winning and versatile actor kaya natutu-wa tayo na madagdag siya sa stable ng talents ng GMA.”
Dumalo sa contract signing sina GMA Entertainment Group Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, Senior Talent Manager Daryl Zamora, at ang co-manager ni EA na si Arnold Vegafria.
Comments are closed.