LITONG-LITO na ang supporters ni Edgar Allan Guzman na naniwala sa kanyang paulit-ulit na statement na hiwalay na sila ng girlfriend niyang si Shaira Diaz.
Nakatatawa raw talaga itong, in fairness ay mahusay na dancer/actor. Hayan at pinaninindigan niyang offline na raw sila ng kanyang chick na si Shaira Diaz pero hayan naman at mayroon siyang sweet birthday message sa pagdiriwang nito ng kanyang 24th birthday last May 3.
Ipinost pa nila ang kanilang kissing videos sa kanilang U.S. trip sa kanyang Instagram account at nilagyan ng sweet na sweet na caption, “Miss kita araw-araw. Mahal kita habang buhay. Happy birthday, Shaira Diaz!
“(P.S : Eto nga pala ‘yung kantang sinulat ko para sa’yo.. with the help of my good friend @nyoyvolante, napaganda niya lalo ‘yung kanta.. sana magustuhan mo).”
Mabilis pa sa kidlat ang sagot ni Shaira, “Waaaaahhhh!!! Nagpa-panic ako!!! Teka!! Salamat dito!!! Thank you, love! Mahal kita sobra.”
Anyway, Hindi masisisi ni Edgar Allan ang mga reporters kung hindi na siya paniwalaan sa susunod na mag-deny siya tungkol sa ibang mga isyu. Tarnished na ang kanyang credibility kahit totoo pa ang kanyang mga sinasabi.
Remember the story about the boy who cried wolf?
‘Yun nah!
DEVON SERON INAALAGAAN NG GMA-7
MAY follow-up project pala si Devon Seron sa GMA-7. Hayan at parte siya ng upcoming drama series na Dahil sa
Pag-ibig at bale ito ang kanyang ikalawang teleserye sa Kapuso network.
Makakasama siya sa upcoming afternoon series nina Sanya Lopez, Winwyn Marquez, Pancho Magno at Benjamin Alves.
Anyhow, sa Instagram story na in-upload ni Sanya last May 3, tinawag niyang “besh” si Devon. Simply stated, baka ang gagampanan ni Devon rito ay bilang best friend ni Sanya.
Nakasama rin bilang series regular si Devon sa afternoon series na Asawa Ko, Karibal Ko, starring Kris Bernal, Thea Tolentino, and Rayver Cruz, who was also a former Kapamilya. Ginampanan ni Devon ang role na kapatid ni Kris Bernal.
Anyway, isa pang Kapamilya aktres na magiging parte ng teleserye ay si Sandy Andolong.
Nag-leave raw muna si Sandy sa ABS-CBN sitcom Home Sweetie Home para gawin ang Dahil sa Pag-ibig.
Wala pang official announcement kung kailan ilalabas ang pilot episode nito pero maaaring ipalabas ito not later than May 20, replacing Inagaw Na Bituin that will end on May 17.
Follow me at my Twitter Account Pete Ampoloquio, Jr. Ito ‘yung profile pic ko si Alden Richards.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!
Comments are closed.