SINIMULAN na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng kanilang inilatag na post- election security tatlong araw matapos ang national and local elections .
Ito ang dahilan kaya may mga sundalo, pulis at military trucks na makikita sa may bahagi ng People Power Monument sa White Plains at EDSA-Shrine sa Ortigas.
Nilinaw ng AFP at PNP na nanatili silang nakaalerto kahit tapos na ang halalan at inaantabayanan na ang mga ilalabas na official results ng board of canvassers.
Maliban sa People Power Monument at EDSA-Shrine, sinabi ng mga pulis at sundalo na may mga iba pang lugar sa Metro Manila ang pinuwestuhan ng kanilang puwersa.
May mga inilatag na military tent ang mga sundalo at nagpuwesto ng 6×6 truck sa parehong lugar.
Habang ang mga pulis naman ay may itinayong Police assistance desk.
Nilinaw ng mga awtoridad na bahagi ito sa kanilang deployment at contingency plan para magbibigay seguridad sa people power monument at edsa shrine.
Paghahanda na rin umano ito sa anumang posibleng inisidente kasama na ang mga paglulunsad ng mga kilos protesta .
Samantala, ayon naman kay PNP Directorate for Operations chief MGen. Val De Leon, naka alerto pa rin ang PNP lalo na sa mga post election incidents.
Gayundin ang AFP Joint Task Force –NCR na may standby forces sakaling sumiklab ang karahasan.
VERLIN RUIZ