EDU MANZANO-CHERRY PIE PICACHE, LOVE STORY THE SECOND TIME AROUND

NAGKARELAS­YON na pala sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano may 20 taon na ang nakakalipas ngunit nagkaaberya lamang kaya sila nagkahiwalay.

Ayon kay Luis Manzano, anak na panganay ni Edu at ni Star for all Seasons Vilma Santos, inamin mismo ng kanyang ama na kahit nagkahiwalay sila ni Cherry Pie ay nanatili silang magkaibigan. Ngayon umanong nagkaroon ng pagkakataong muling buhayin ang kanilang relasyon ay kapwa na sila masaya.

Lagi umano silang nagkikita sa mga okasyon at palagi rin silang nagkukwentuhan. Alam umano ng dalawang pareho pa nilang gusto ang isa’t isa, ngunit dahil pareho na silang may karelasyon nang mga panahong iyon ay nanatili na lamang silang magkaibigan.

Sa panig ni Cherry Pie, ayaw umano niyang bigyan ng ibang kahulugan ang magandang ipinakikita sa kanya ni Edu dahil mabait naman ito kahit kanino.

Halimbawa umano, nung sinabi ni Edu sa kanya na “parang nagkakasalisihan tayo.” Yung si Edu ang avai­lable at si Cherry Pie ay hindi o kung si Cherry Pie ang lib­re at si Edu naman ang may kapartner.

Ngunit sa pagsasama nina Edu at Cherry Pie sa Marry Me, Marry You, para umanong sinadya ng pagkakataong naging instrumento ito para muling manumbalik ang kanilang espesyal na pagtitinginan dalawang dekada na ang nakararaan. Hindi umano nila inaasahang after 20 years, muli silang magkakalapit at magmamahalan. – KAYE NEBRE MARTIN