MARAMING mga programang pang turismo ang isusulong ng administrasyong Marcos na naglalayong maparami ang bilang ng mga turistang bibisita sa Pilipinas at matiyak na maginhawa ang biyahe at connectivity ng mga ito.
Kabilang dito ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isusulong na educational tourism sa pagitan ng dalawang bansa na nakatuon sa exchange of students at professionals na tututok sa tourism- related institutions.
Sa ginanap na roundtable meeting dito ay inimbitahan ng Pangulo ang mga Japanese student na mag-aral ng English sa Pilipinas. Ayon sa Pangulo, sa ilalim ng kanyang administrasyon ang tourism industry ay hindi lamang magsisilbing promotion arm ng gobyerno kundi upang tiyakin na ang pagbiyahe ng mga turistang dadating sa bansa ay maging convenient at konektado sa ibat ibang tourist destinations sa bansa.
Naniniwala ang Pangulo na ang turismo ay malaking ambag sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa. Nalagpasan ng Pillipinas ang target na mga turistang dumating noong nakaraang taon.
“With this in mind, this government has set the direction to harness the development of tourism in key tourism destinations. Through this, we will make sure that hard and soft infrastructure is well-developed, from roads and bridges to medical facilities, clean water supplies, and readily accessible for tourists and locals alike,” wika ng Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na ang malalim na ugnayan ng Pilipinas at Japan ay nakabase sa kakaibang pangtangkilik ng bawat isa at nakatuon sa preservation ng kultura, tradisyon at pamana ng bawat bansa.
“Now, this is something we admire and can share with our Japanese friends, whose success in the tourism sector is profoundly etched in one’s cultural identity that has adapted and strengthened over time,” giit pa ng Pangulo.
Pang-anim ang Japan sa mga bansang pinakamaraming bumisita sa Pilipinas base na datos ng gobyerno. EVELYN QUIROZ