UMAPELA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kawani ng Department of Education, na magtalaga na ng malihim sa Kagawaran.
Nananawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kawani ng Department of Education na magtalaga ng isang competent na kalihim sa Kagawaran.
Ayon sa pahayag ni Atty Domingo B. Alidon, presidente ng DepEd National Employees Union, mahalagang magkaroon ng maayos na paglilipat ng tungkulin at magtuloy-tuloy ang implementasyon ng mga kasalukuyang polisiya at programa ng kawanihan.
Kailangan anilang madaliin ng Pangulong Marcos ang pagluluklok ng capable and visionary successor na magpapatuloy ng mga nasimulang reporma at mga inisyatiba sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa bansa.
Nais sana ng DepEd NEU na hindi politician ang mailagay na susunod na secretary kundi galing sa education sector, na maaaring dating public school teacher na tumaas ang posisyon, na naging regional director at naging assistant secretary o undersecretary.
Ang DepEd National Employees Union (DepEdNEU), binubuo ng rank and file employees sa loob ng Department of Education (DepEd) na ang layon ay isulong ang kapakanan ng mga kasapi at patuloy na pag-inamim ang sistema ng edukasyon sa bansa.
Iginagalang nila ang pagkalas ni Bise Presidente Sara Duterte sa kawanihan at kailangang maresolba sa lalong madaling panahon ng Pangulo ang vacancy sa ahensiya na dinulot ng pagkalas ng Bise Presidente.
Elma Morales