NAKIISA ang Philippine Sports Commission (PSC) sa selebrasyon ng UNESCO sa International Day of Education sa pag-aalay sa January 30 episode ng online show nito sa mga guro at educator, lalo na yaong mga humahawak ng Physical Education classes.
Nagbigay-pugay si PSC Commissioner Celia H. Kiram sa lahat ng educators, teachers, at professors na ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya sa pagtuturo sa kabila ng kasalukuyang virtual learning situation dahil sa pandemya.
“We all know how important education is in building the character of responsible citizens. Now more than ever, we also recognize the important role played by teachers and educators in handling a generation of students in the time of COVID-19,” sabi ni Kiram.
Ang Rise Up! Shape Up, isang web series mula sa Women in Sports program ng PSC, ay tinatampukan ng halaga ng PE teachers sa pagbalanse sa edukasyon, pagkatuto, at physical at mental wellness para sa kanilang mga estudyante sa naturang episode.
Dalawang highly respected educators sa larangan ng Physical Education and Sports ang magbabahagi ng kanilang mga istorya sa pagharap sa mga hamon ng distance learning at ng kanilang malikhaing pamamaraan ng pagtuturo sa isang online mode.
Una ay si Dr. Drolly P. Claravall, na kasalukuyang nagsisilbi bilang City Sports Consultant ng Ilagan City, Isabela, at bilang associate professor sa Isabela State University.
Si Dr. Claravall ay nagtrabaho rin bilang Women in Sports Project Director noong 2018 at 2019, at bilang Sports Consultant para sa DepEd Pangasinan II.
Ang ikalawa ay si Dr. Mary Grace Bulatao na may doctorate sa Philosophy, major in Educational management, at kasalukuyang MAPEH Department Head ng St. Mary’s University sa Nueva Vizcaya. CLYDE MARIANO
Comments are closed.