PINAGTIBAY ni Department of Education at Vice President Sara Duterte ang mga pagsisikap na mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng accessible at de-kalidad na edukasyon.
Sa Bagong Pilipinas Kick -off Rally ay nanguna si Duterte sa delegasyon ng DepEd sa inter-agency na pagtitipon sa Quirino Grandstand, na ipinakita ang suporta nito sa Bagong Pilipinas, isang multi-layered na kampanya na ang hangarin ay itulak ang progreso ng bansa.
Sa panahon ng Basic Education Report 2024, sinabi ni VP-Sec. Sara Duterte na ang edukasyon ay isang haligi ng pagbabawas ng kahirapan at binigyang-diin na ang mga programa at inisyatiba ng Kagawaran sa ilalim ng MATATAG Agenda ay nakahanay sa Bagong Pilipinas ng PBBM administration.
“Dapat nating palakihin ang ating mga anak upang dalhin ang katatagan na ito sa kanilang mga puso at isipan para sa kanilang kinabukasan,” ani VP.
Sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon, nakatakdang ilunsad ng DepEd ang phased implementation ng MATATAG K-10 Curriculum sa susunod na school year.
Bukod dito, ang DepEd ay nakipagtulungan din sa iba’t ibang organisasyon upang magbigay ng entrepreneurship at mga oportunidad sa trabaho para sa mga mag-aaral at komunidad.
Palalawakin din ng DepEd ang School-Based Feeding Program sa buong school year 2024-2025. Elma Morales