KILALA si US President-elect Donald Trump na makabayan sa pagsusulong ng kanyang ‘American first’.
Ibig sabihin nito, mas una para sa ika-47 pangulo ng Amerika ang kapakanan ng kanyang mga kababayan, mula sa edukasyon, trabaho at kalusugan.
Alam ng lahat na sa Amerika, kahit ibang lahi ay tinutulungan ng pamahalaan kaya naman upang hindi maiwan ang kanyang mga kababayan, uunahin ang mga ito sa lahat ng larangan.
Bukod sa mahigpit na border control ay kanyang palalakasin ang edukasyon.
Isa sa mga paraan nito ay ang pagpapasara sa mga educational institution sa Washington, D.C., at dadalhin ang mga ito sa mga estado ng US at magiging accessible sa ibang estado.
Ayon kay Trump, sa nasabing paraan ay magiging abot-kamay na ang edukasyon sa mga nasa malalayong lugar.
Una rito ay ikinabahala ni Trump na maraming mamamayan nito mula sa iba’t ibang estado ang hindi na nagkakainteres sa edukasyon.
Naniniwala rin si Trump na sa kanyang hakbang ay marami ang makakapag-aral hanggang magkaroon ng magandang trabaho at kaalaman sa negosyo.