EDUKASYON SUSI SA MALIWANAG NA KINABUKASAN — SEN. BONG GO

SA BAWAT tagumpay ng isang mag-aaral, may kasamang pag-asa para sa mas maliwanag na kinabukasan— hindi lamang para sa sarili, kundi para sa pamilya at bayan.

Ang edukasyon ay isang mahalagang kasangkapan upang wa­kasan ang kahirapan at magbukas ng mas maraming oportunidad sa bawat Pilipino.

Ito ang dahilan kung bakit hindi matatawaran ang dedikasyon ni Senator Bong Go sa pagsusulong ng mga programang pang-edukasyon.

Isa sa kanyang mga pangunahing kontribus­yon ay ang Republic Act 11510, na naglalayong gawing institusyonal ang Alternative Learning System (ALS).

Bilang co-author at co-sponsor ng batas na ito, binibigyan ni Senator Go ng pangalawang pagkakataon ang mga out-of-school youth, indi­genous students, at maging ang mga mag-aaral na may physical at learning disabilities.

Ang ALS ay isang mahalagang programa na nagbibigay-daan sa mga nais makapag-aral muli upang magkaroon ng mas maayos na kinabukasan.

Ngunit hindi dito natatapos ang kanyang malasakit.

Kamakailan, ipinakita ni Senator Go ang kanyang suporta sa kabataan ng La Union sa pamamagitan ng CHED-Tulong Dunong Program (TDP).

Isa si Francis Ian Corpuz, 19 taong gulang na engineering student sa Don Mariano Marcos Memorial State University, sa mga natulungan ng scholarship program na ito.

Sa tulong ng programa, nabigyan si Francis ng pagkakataong maabot ang kanyang pangarap.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Youth, patuloy ang pagsusulong ni Senator Go ng mga batas na nagbibigay-proteksiyon at suporta sa mga mag-aaral, tulad ng RA 11984 o ang  “No Permit, No Exam Prohibition Act” at RA 12006 o “Free College Entrance Examinations Act.”

Ang mga batas na ito ay naglalayong ga­wing mas accessible ang edukasyon para sa lahat, anuman ang kalagayan sa buhay.

Sa kanyang mga inis­yatiba, pinatutuna­yan ni Senator Go na ang edukasyon ay hindi lamang para sa personal na pag-unlad, kundi isang responsibilidad na dapat pagsikapang abutin para sa ikabubuti ng buong bayan.

Ang kanyang malasakit at aksyon ay patunay na siya ay tunay na #GoBongGo2025— isang lider na nagmamalasakit at umaaksiyon para sa kinabukasan ng kabataan.