BAKIT ba kinu-question ang pagkapanalo ni Prince Caperal ng “Most Improved Player” sa katatapos na PBA virtual award na ginanap noong Jan 17?
Dapat daw ay si Justine Chua ng Phoenix Super LPG ang nanalo ng naturang award.
Si Caperal ay lagi naman umanong maganda ang laro. Saka laging may back up ito kapag nakapuntos. Hindi umano tulad ni Chua na sariling sikap upang matulungan ang kanyang koponan. Sa bubble game nga lang nakitaan ng matinding laro si Justine. Lalo noong semifinals na inasahan siya ng kanyang teammates. Gayundin nang magtamo ng Injury si Matthew Wright.
Nadaya nga ba si Chua o palakasan daw ang nangyari?
Tuloy na tuloy raw ang palitan ng players ng TerraFirma at ng San Miguel Beer. Totoo kaya na posibleng maging kapalit ni CJ Perez si Arwind Santos? Patas nga ba ang trade? Hindi ba lugi ang TerraFirma dahil may edad na itong si Santos unlike si Perez na batang-bata pa? Siguradong pakikinabangan nang husto ng Beermen si CJ.
Habang si Santos naman ay makatutulong din sa kampo ni coach Johndel Cardel. Kahit 39 na si Arwind ay kayang-kaya pa niyang
makipagsabayan sa mga bata. Hindi pa rin nawawala ang mainit na pulso ng tubong Pampanga. Kailangan ng Teerafirma ang kanyang leadership na wala sa team. Abangan natin iyan kung tuloy ang pamimigay sa dating FEU Tamaraws player.
Very proud father naman si coach Norman Black sa pagkapanalo ng kanyang anak na si Aaron Black bilang “Rookie of the Year”. Deserving naman ni Aaron ang award na kanyang pinaghirapan Manang-mana siya kay coach Norman sa paglalaro. Congrats, batang Black.
Nagdaramdam ang anak na babae ni Efren ‘Bata‘ Reyes sa kumakalat na balita sa social media na patay na ito. Sa FB account ng anak ni Magican ay sinabi nito ba buhay na buhay ang kanyang tatay. Bahala na raw ang Diyos sa nagkalat sa social media na patay na ang hari ng billiard. Mayroon ngang video si Reyes na kumakaway at nagsabi na Okey na Okey daw siya.
Dapat matuwa si Efren sa napabalitang patay ma siya. Sabi kasi ng matatanda, kapag napabalitang patay ang isang tao, hahaba pa ang buhay nito.
Comments are closed.