BABALA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang magdadala ng malakas na pag-ulan sa bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw si ‘Egay’.
Batay sa pinakahuling weather bulletin sa araw ng Linggo ng Pagasa, huling namataan ang bagyo 665 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay ang lakas ng hanging 75 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.
Habang kumikilos ito pakanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Sa ngayon ay wala pang tropical cyclone wind signal na nakataas sa bansa, ngunit sakaling magtaas ng wind signal posibleng abutin ito mula signal number 3 hanggang 4 partikular sa bahagi ng Northern Luzon.
Hanggang alas-3:00 ng hapon araw ng Linggo, ang sentro ng severe tropical storm “Egay” base sa lahat ng available na data ay nasa 570 km East ng Daet, Camarines Norte (14.9°N, 128.2°E) na may maximum sustained winds na 110 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135 km/h. Kumikilos ito Pakanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 10 km/h. Southwest Monsoon na nakakaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ibang lugar sa Bikol at Eastern Visayas ay maulap na papawirin at manaka-nakang pag-ulan at pagkulog at pagkidlat.
Ang mga lalawigan ng Palawan, Occidental Mindoro, Romblon, Quezon, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Camiguin, Misamis Oriental, at Visayas at maging ang Metro Manila ay makararanas ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Inaasahang aabot si ‘Egay’ sa kategoryang super typoon sa loob ng 24 oras at maaaring maging super typhoon sa Martes, ayon sa Pagasa.
Maaaring magsimula ang bahagyang paghina ng trend sa Miyerkoles at magpapatuloy hanggang sa mag-landfall ang tropikal na bagyo sa Taiwan sa Huwebes.