EGGPLANT AT IBA’T IBANG LUTO NITO

EGGPLANT

NAPAKARAMING pagkain ang maaaring maibento sa panahon ngayon na bukod sa katakam-takam ay swak pa sa bulsa. Sa hirap ng buhay, importante ang pagtitipid. Sa taas din ng mga bilihin, kailangang makapag-isip ng ibang paraan upang makapaghanda ng masasarap na putahe sa pamilya na pasok sa budget.

Hindi nga naman natin puwedeng basta-basta na lang ang ipakakain natin sa ating pamilya. Sabihin mang napakamahal ng mga bi­lihin sa panahon ngayon, importante pa ring napaghahandaan natin sila ng mga pagkaing bukod sa masarap, healthy pa at gusto nila.

Kung hindi rin kasi masarap ang ihahanda natin sa kanila, masasa­yang lang din lalo na kung hindi nila ito kakainin.

Oo nga’t napakahirap naman talagang mag-isip ng iba’t ibang putaheng kagigiliwan ng ating pamilya. Pero sabihin mang mahirap, may maiisip tayo. Mayroon tayong maiibento.

Isa ang eggplant sa lagi nating nakikita sa pamilihan. Kadalasan natin itong ipinansasahog sa iba’t ibang gulay o lutuin. Masarap sa kare-kare ang talong. Swak din itong gawing torta. Minsan naman, iniihaw ito at sinasamahan ng hiniwa-hiwang sibuyas, hiniwa-hiwang kamatis at suka. Mayaman sa nutrients ang talong. May taglay rin itong antioxidants.

Isa rin ang talong sa mataas ang taglay na fiber kaya’t nakapagpapababa ito ng timbang.

Dahil diyan, narito ang ilan sa mga luto o recipe ng talong na maaaring subukan ng kahit na sino:

EGGPLANT PARMESAN PIZZA

EGGPLANT-2Marami sa atin ang mahilig sa pizza. Masarap nga naman ito at kaydali lang ding mabili. Pero ang ilan sa atin, gumagawa nito sa bahay. At kung gagawa ng pizza sa bahay para sa buong pamilya, mainam na subukan ang Eggplant Parmesan Pizza. Kakaiba pero tiyak na magugustuhan ito ng iyong buong pamilya.

Simple lang ang mga kakailanganin sa paggawa nito gaya ng marinara sauce, refrige­rated pizza dough, part-skim mozzarella cheese, part-skim ricotta cheese, plum tomatoes, Parmesan cheese, fresh basil at ang eggplant.

ZUCCHINI EGGPLANT LASAGNA

Bukod sa pizza, sarap na sarap din ang marami sa atin sa lasag­na. Sino nga naman ang hindi matatakam sa pagkaing ito. At puwedeng-puwede ring gamitin ang talong sa paggawa ng lasagna.

BAKED EGGPLANT FRIES

Fries, isa pa iyan sa kinahihiligang ng ma­rami. pero hindi lamang patatas ang maaaring gawing fries dahil swak ding gamitin ang eggplant.

EGGPLANT-3Sa mga gustong subu­kan ang Baked Eggplant Fries, ang mga kakaila­nganin sa paggawa nito ay ang talong o eggplant, all-purpose flour, itlog, bread crumbs, garlic powder, dried oregano, asin, paminta at olive oil cooking spray.

Paraan ng pagluluto:

Matapos na maihanda ang lahat ng mga kakailanganing sangkap, painitin lang ang oven sa 425 degrees F. Pagkatapos ay hiwain na ang eggplant na kasinlaki ng fries. Budburan ng asin at paminta. Hayaan na muna hanggang sa pumasok o manuot ang lasa.

Kapag nanuot na ang lasa sa eggplant, i-dredge na ito sa flour. Pagkatapos ay i-dip naman sa itlog at sa pinagsamang bread-crumbs, garlic powder at oregano.

Pagkatapos ng nasabing procedure, ihanda na o iayos na ang fries sa lutuan. Kapag naayos na ang lahat ng fries sa lutuan, lagyan na ito ng olive oil gamit ang cooking spray.

I-bake hanggang sa maging golden at crispy ang fries.

Simpleng-simple lang. Puwede mo na itong ihanda na may sauce na swak sa inyong panlasa.

Sa totoo lang, napakaraming paraan para makapagluto ng kakaiba gamit ang talong. Ma­ging creative lang.  CT SARIGUMBA

Comments are closed.