EGYPTIAN, 2 ASG MEMBERS UTAS SA ENGKUWENTRO

SULU-DALAWANG miyembro ng Abu Sayyaf Group at isang dayuhan ang nasawi sa engkuwentro sa Barangay Igasan, Patikul.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Yusop, Egyptian national at Abu Khattab Jundullah alyas Saddam isa umanong trained bomb maker ng Abu Sayaff at isang alyas Akram.

Ayon kay 1102nd Infantry Brigade commander Col. Benjamin Batara, Jr., ang tatlong terorista ay mga tauhan ni Mudzrimar Mundi Sawadjaan na nasa likod ng twin suicide bombing sa Jolo noong August 2020 at Jolo Cathedral bombing noong taong 2019.

Si Yusop ay anak umano ng suicide bomber na si Siti Aisyah na siyang responsable sa suicide attack noong September 2018 na namatay sa shootout sa Barangay Tagbak, Indanan..

Nagboluntaryo umano itong maging suicide bomber nang umanib kay ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan.

Narekober naman ng tropa ng gobyerno ang tatlong klase ng armas na kinabibilangan ng M653, M203 at R4, ilang mga magazines, dalawang bandoliers at ilang mga personal na kagamitan sa encounter site. PMRT

4 thoughts on “EGYPTIAN, 2 ASG MEMBERS UTAS SA ENGKUWENTRO”

  1. 715754 399426This sort of considering develop change in an individuals llife, building our Chicago Pounds reduction going on a diet model are a wide actions toward producing the fact goal in mind. shed weight 576274

  2. 480977 461064An fascinating discussion could be worth comment. I feel you ought to write on this subject, it may possibly surely be a taboo subject but typically individuals are not enough to dicuss on such topics. To a higher. Cheers 654513

Comments are closed.