BINATI ni Pangulong Rodrigo Duterte ng buong kagalakan ang mga Filipino Muslim sa okasyon ng pagtatapos ng Ramadan o Eid’l Fitr.
Tiwala ang Pangulong Duterte na ang isang buwang pag-aayuno ay muling gumising sa kanilang kagandahang-loob sa kabila ng mga kinakaharap na problema ng bansa kaugnay sa violent extremism.
Sa kanyang mensahe ay sinabi ni Pangulong Duterte na kaisa siya ng mga kapatid na Muslim sa pagpapatibay na muli ng kanilang paglilinis ng sarili at kagalakan para sa pagtatapos ng Ramadan.
“We collectively observe this event to praise Allah in thanksgiving for providing our nation the strength to endure the challenges of misguided ideologies, terrorism and violent extremism,” wika ng Pangulo.
“I trust that the sacrifice of Muslim Filipinos during their month-long fasting has rekindled their faith and reawakened their sense of benevolence and empathy towards their fellowmen,” dagdag pa ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, ito ang tamang panahon upang mapagnilayan ang progreso sa ginagawa ng pamahalaan upang matamo ang minimithing pang habambuhay na kapayapaan partikular sa rehiyon ng Mindanao.
“May this revered festival inspire us all to foster greater unity amidst our differences in faith and culture. Together, let us engage in acts of charity as we steer our nation towards a more progressive and tolerant future,” sabi pa ng Pangulo.
“May love and understanding prevail over our land as we work hard for the genuine transformation of the Philippines for every Filipino,” dagdag pa ni Duterte. EVELYN QUIROZ
BANAL NA BUWAN NG RAMADAN
Batay sa isinagawang moon sighting gabi ng Huwebes, ilang karatig bansa tulad ng Indonesia at Thailand ang nakakita sa bagong buwan o new moon kaya’t idineklara na ipagdiwang ang Eid’l Fitr kahapon na hudyat ng pagtatapos na rin ng isang buwang pag-aayuno ng mga kapatid na Muslim.
Dumagsa ang mga Muslim sa Manila Golden Mosque sa Quiapo, Blue Mosque sa Taguig gayundin ang iba pang mga Mosque at sa Quirino Grandstand sa Rizal Park sa Maynila para sa morning prayer na sinundan ng salo-salo.
Idineklara ng Malakanyang na national holiday ang araw na ito batay na rin sa Proclamation 514 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte. JAYMARK DAGALA-DWIZ882
Comments are closed.