LUCENA, Quezon-Walong deserving incoming college students mula Quezon na mga tumanggap ng SM Foundation Scholarship Program para sa school year 2019-2020 ang binati ng mga empleyado ng SM Store Lucena.
Kabilang sa mga estudyante ay mula sa Tayabas City, Sariaya at Lucena na nagulat nang sila ang mapili bilang scholars mula sa daan-daang nagsipag-apply. Kukuha ang mga ito ng Engineering at Accountancy sa Mamuel S. Enverga University Foundation.
Ayon kay Ms. Priscilla Terrenal, Asst. Branch Manager, ang mga bagong scholars bukod sa tuition fee at monthly allowance, maari silang mag-trabaho nang part-time sa store sa panahon ng bakasyon upang makakuha ng karanasan sa pagkita ng salapi.
Pinayuhan ng mall manager na si Ms. Maricel Alquiros, ng SM City Lucena ang mga estudyante na pahalagahan ang pagkakataon na ipinagka-kaloob sa kanila ng SM Foundation at pagsikapang makamit ang kanilang adhikain.
Isa rin si Ms. Lilibeth Azores na kinatawan ng SM Foundation sa sumuporta at gumabay sa mga ito sa process ng kanilang qualifying examina-tions hanggang sa final background interview at awarding ceremony sa Training Room, 3F Administration Office ng SM City Lucena.
Ang walong scholars ay kabilang sa 500 incoming freshmen ngayong taon na binigyan ng SM scholarship, na naghatid sa total number of schol-ars sa 1,200 para sa SY 2019-2020.
Simula 1993, nakalikha ng 3,274 college scholar-graduates mula sa kani-kanilang piniling kurso.