CAGAYAN-ISANG memorandum of understanding (MOU) ang nilagdaan ng pumunuan ng mga Unibersidad mula sa iba’t ibang rehiyon bilang suporta sa bagong proyekto ng Department of Science and Technology (DOST) Region-2 kaugnay sa isinusulong na “Engaging Innovation by Nurturing Significant of Thousand Excellent Ideas in the North” (EINSTEIN) 1,000.
Isinagawa ang kasunduan sa pamamagitan ng virtual signing kung saan kabilang sa mga lumagda ay ang presidente ng Batanes State University, Isabela State University, Cagayan State University, private universities sa rehiyon at ang kalihim ng DOST.
Ayon kay Engr. Sancho Mabborang, Director ng DOST Region 2 na layunin nitong bigyang pansin ang pagpapa-unlad sa mga produkto ng mga mamamayan sa rehiyon sa tulong ng mga dalubhasa at mga eksperto na mula sa naturang tanggapan.
Sa kasalukuyang pandemya, kailangang tulungan ang pamahalaan sa muling pag-angat ng ekonomiya at sa pamamagitan ng hakbangin ng pamunuan ng DOST ay unti-unti makabangon sa paglugmok ang bansa dahil sa COVID-19. IRENE GONZALES
Comments are closed.