GRABEEE, ubos agad ang ticket para sa Game 7 ng Magnolia-San Miguel titular showdown na nilalaro habang isinusulat natin ang kolum na ito.
Kapuwa naghakot ang Beermen at Hotshots ng fans nila upang suportahan ang kanila-kanilang team kaya problemado ang PBA dahil kulang pa nga raw ang tiket ng SMB. ‘Yung regular na kumukuha sa kanila ay hindi na nila mabigyan. Eh, ‘di lalong pahirapan ang pagkuha ng ticket kung ang Gine-bra ang pumasok sa finals. Anyway, kahit sino ang manalo sa Beermen at Hotshots ay OK dahil pareho lang namang team ni Mr. Ramon S. Ang ang dalawa.
Balik-court na si EJie Laure na maglalaro para sa Foton 2 sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa susunod na buwan. Magaling na ang kanyang injury kaya makapaglalaro na ulit siya. Kung hindi ako nagkakamali, may isang taon ding nagpahinga si EJ dahil sa kanyang injury, although naintriga ang panganay ng basketbolistang si Eddie Laure na nabuntis daw ito ng isang dating actor na BF ng former UST star. Taas-noo namang pinabulaanan ng mga magulang ni EJ ang kumalat na balita.
Good luck sa pagbabalik ni EJ sa Foton 2. Sa totoo lang, malaki ang ipinayat ng dating player ng UST. Condition na condition si EJ at halatang na-miss ang paglalaro.
Isa kami sa natutuwa sa pagkapanalo ni coach Vergel Meneses bilang mayor ng Bulakan, Bulacan. Hindi man siya naging matagumpay sa pagiging head coach ng JRU, wagi naman siya sa kanyang mga kababayan sa Bulakan, Bulacan bilang alkalde. Three years ago ay kumandidatong vice mayor si Meneses at pinsang buo pa niya ang kanyang nakalaban, subalit hindi nga pinalad si Meneses. Mas nais pala ng mga taga-Bulakan, Bulacan na maging mayor si Vergel sa kanilang lugar. Congratulations, Mayor-elect Vergel Meneses.!
Marahil ay masyadong namahalan ang ilang team owners na nais sumali sa 3rd season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL). Ang unang balita ay magiging P50-M ang franchise sa mga bagong lalahok. Para madagdagan ang teams ay ginawa na lamang itong P30-M, mula sa unang season na franchise fee na P500K lamang. Sampung koponan ang kasali, dumating ang 2nd seaaon ay naging P-10M at lumobo ang mga kalahok sa 26 teams. Ngayong 3rd season, nais nilang maging 32 teams, ngunit mukhang dalawang teams pa lang ang nadaragdag, ang Albay Volcanoes at Nueva Ecija. Good luck!
Comments are closed.