EJ OBIENA TAKEN NA

MARAMI ang interesadong malaman kung available pa o taken na ang 27-anyos na pole vaulter na si EJ Uy Obiena.

Sa pagharap nito sa media sa tanggaan ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa Maynila, sinagot ni EJ ang tanong kung may girlfriend na siya.

Sinabi nitong mayroon na, ngunit hindi niya ito pinangalanan.

Ilang source ang nagsabi na isang German athlete ang kasintahan ni EJ.

Si EJ ay pinagkalooban ng mga negosyanteng Tsinoy ng P6 milyon dahil sa karangalang dala sa pagkapanalo ng ginto sa Asian Games.

Ayon sa kanya, ilalaan niya ang naturang halaga sa kanyang training at pagsabak sa kompetisyon sa Paris sa susunod na taon. SUSAN C.